Pagsisimula ng summer season, opisyal nang idineklara ng PAGASA

Summer na!

Idineklara na ng weather bureau ang pagsisimula ng “Philippine summer” kasabay ng pagwawakas ng Amihan season.

Sa isang press briefing, sinabi ni PAGASA chief Dr. Nathaniel Servando na inaasahan nang mas dadami pa ang bilang ng mga araw na makararanas ng mainit na panahon sa mga susunod na linggo at buwan.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Paliwanag ng ahensya, nagbago na ang wind pattern – kung saan ang dating northeasterlies ay naging easterlies na sa malaking bahagi ng bansa dahil sa High Pressure Area.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ito na umano ang senyales ng pagtatapos ng Amihan, at pagsisimula ng dry season. Sa kabila niya, nilinaw ng PAGASA na maaari pa ring magkaroon ng mga pag-ulan sa bansa dahil sa easterlies, localized thunderstorms, at La Niña phenomenon.