Pagkahuli kay Teves – ‘answered prayer’ – pamilya Degamo

Tinawag na ‘answered prayer’ ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang misis ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo, ang pagkakahuli ng tinuturong mastermind sa pagkamatay ng kanyang asawa na si dating Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.

Ayon kay Mayor Degamo, matagal na nilang hinihintay ang araw na ito – ang talagang mahuli na si Teves.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Aniya, wala silang mapagsidlan ng tuwa sa development ng kaso.

Sinabi ng alkalde na wala silang gustong sabihin sa dating mambabatas, dahil sapat nang makita nila itong nasa loob ng kulungan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang pagkakakulong daw kasi ni Teves ay patunay na ang bilangguan ay para sa lahat, at hindi lang para sa mga walang koneksyon, mahihirap, at nasasamantala.

Sa kasalukuyan, may team na ang Pilipinas na ipinadala sa Timor Leste para maging escort ng dating mambabatas pabalik sa bansa.