Pagsisimula ng limited face-to-face classes sa Naga City, naging matagumpay

NAGA CITY- Naging matagumpay ang pagsisimula ng limited face-to-face classes sa Naga City.

Walang naging aberya mula sa pagpasok ng mga estudyanteng hinatid ng kanilang mga magulang sa Panicuason Elementary School, pag-upo sa kani-kanilang upuang hiwa-hiwalay hanggang sa masundo nang matapos ang klase.  Ito ang pagtataya ni OIC Principal Jacklyn Awa sa naging panayam ng Brigada News FM.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ikinuwento sa BNFM ni Jessica Briones na pumayag siya sa ganitong sistema upang maranasan na ng kinder na anak ang mag-aral sa classroom kasama ang tunay na guro at mga kaklase.  Maagang nagising ang kaniyang anak na sabik na sabik subalit bago tumungo sa paaralan, maraming naging bilin ang ina upang makaiwas sa COVID-19.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ganito rin ang naging bungad sa mga silid, bago ang pormal na pagtuturo pinaalalahan ang mga estudyante ng mga dapat gawin habang nasa limited face-to-face classes.