Tinapos ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang haka-haka ng marami na ang dahilan ng gobyerno sa pagbaba ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) ay dahil umano sa kakulangan na ng gobyerno sa pondo pang-ayuda para sa mga apektadong residente ng rehiyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na ibinaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula ECQ ang quarantine restrictions sa NCR para mabalanse ang ekonomiya at kalusugan ng mga Pilipino sa bansa,.

Papayagan pa rin umano ang mga local government units (LGUs) na nakasailalim sa MECQ na magsagawa ng hard lockdowns sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.
Samantala, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), as of August 21, 60% pa lamang ng ayudang P1,000 kada indibidwal ang naipapamigay sa mga residente ng NCR sa kabila ng pagtatapos ng ECQ nitong nakaraang Biyernes.