Maaari umanong umabot sa 20,000 kada araw ang maitatalang bagong kaso ng COVD-19 sa bansa kung sakaling pumalpak ang gobyerno sa mga hakbang nito para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.
Ayon sa spokesman ng UP team na si Dr. Jomar Rabajante, ang posibilidad na ito ay ibinase sa patuloy na pagtaas ng datos ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 17,23 noong mga nakaraang araw, pinakamataas na daily tally.

Nakakabahala umano ang biglang taas ng positivity rate ng bansa na nasa 25.2% mula sa standard ng World Health Organization (WHO) na less than 5%.
Inulit rin niya ang panawagan sa mga tao na magpabakuna na dahil 12.87 milyong tao pa lamang ang fully vaccinated sa buong Pilipinas, malayong-malayo pa sa target na 70 milyon para makamit ng bansa ang herd immunity.