BNFM BICOL—Inanunsiyo ng pamunuan ng Catanduanes National High School na hindi pa nila makumpirma sa ngayon kung magsasagawa na ng limited face to face classes ang naturang paaralan simula ngayong darating na Lunes.
Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ng institusyon na nasa proseso pa sila ng preparasyon o paghahanda para sa implementasyon ng nasabing “learning modality” para sakanilang mga mag-aaral.
Ganunpaman, ipapatupad ng paaralan ang “Blended Learning Modality” para sa mga estudyanteng nasa ilalim ng special programs, partikular ang mga nasa Junior High School students at Senior High School students na kumukuha ng Technical-Vocational-Livelihood o TVL track.
Sa huli, inabisuhan ng paaralan ang mga magulang at mga estudyate na maghintay sa mga susunod nilang anunsyo at updates kaugnay ng pagpapatupad ng limited face to face classes.
Nauunawaan umano nilang nasasabik na ang mga estudyante na muling makapasok sa paaralan ngunit prayoridad pa rin ng pamunuan nito ang kaligtasan ng lahat.###