Pagsabog sa isang mosque sa Afghanistan, 33 nasawi kabilang ang ilang bata

Isang pagsabog ang naganap sa Mawlavi Sikandar mosque sa northern province of Kunduz sa Afghanistan nitong Biyernes kung saan 33 ang namatay kabilang ang ilang bata habang 43 naman ang sugatan.

Kinondena ni Taliban Spokesman Zabihullah Mujahid ang naturang krimen at nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga naulila ng mga biktima.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Ayon sa isang may-ari ng shop malapit sa naturang mosque na si Mohammad Esah, nakakapangilabot ang nangyari kung saan nasawi ang ilang mananampalataya.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Samantala, matatandaang nakuha ng Taliban fighters ang control ng Afghanistan noong nakaraang taon sa sinuportahan ng gobyerno ng Estados Unidos. || ARGIE ERGINA