Pagsabit sa jeep sa Maynila, gustong ipagbawal

Malapit nang ipagbawal sa lungsod ng Maynila ang pagsabit sa jeep alinsunod sa City Ordinance 9003 o Bawal-sabit on public utility vehicle ordinance.

Una nang inihain ni Manila First District Councilor Martin Isidro Jr. nitong Huwebes, at agad naman pinagtibay ng konseho.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Lagda na lamang ni Manila Mayor Honey Lacuna ang hinihintay para maging epektibo ang ordinansa makalipas ang 15 araw.

Sa ilalim ng ordinansa, bawal ang pagsabit ng mga pasahero sa mga tricycle, jeepney at katulad na sasakyan na lagpas sa seating capacity.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Papatawan ng ₱500 multa ang mga lalabag na driver, konduktor, at pasahero sa unang paglabag; habang ₱1,500 sa ikalawang paglabag; at ₱3,000 para sa ikatlong paglabag at posibleng makulong ng hindi lalagpas sa isang buwan.