Gagawin mo ba ang lahat para sa pag-ibig? Ibibigay mo ba ang lahat para sa pagi-big? O babawiin mo rin ba?
Meron kasing isang mister na naging kidney donor ng kanyang misis, na kinilala bilang si Richard Batista.

Ngunit ilang taon ang makalipas, nagdesidido ang misis nitong mag-file ng divorce.
Ang catch ay, gustog bawiin ni mister ang na-donate niyang kidney!
Kumunsulta raw kasi sa ilang expert si Richard upang malaman ang halaga ng kanyang di-nonate.
Aniya, ibalik ang kanyang kidney o magbayad na lang ang kanyang ex-wife ng $1.5 milyon o PHP 84 million bilang compensation.
Ngunit ano ang naging desisyon ng korte?
Kinatigan ng Supreme Court ang argumento ng abogado ng kanyang asawa na hindi puwedeng ituring na property item ang donated kidney.
Ayon sa korte, magsisilbi na lamang itong regalo na hindi niya na ulit makukuha pabalik.
Kung maalalala noong 2022, meron ding nag-viral na storya na isang babaeng nag-donate ng kanyang kidney sa boyfriend nitong nangangailangan.
Pero 7 months after ng operasyon, hiniwalayan na rin siya nito.