BSK Election related incidents, mahigit 300 na ayon sa PNP

Mahigit tatlong daan na ang mga naitalang election-related incidents sa bansa sa kaugnay ng nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong October 30.

Ayon sa Philippine National Police, umakyat pa sa 305 ang bilang ng election related incidents kung saan 96 rito ay validated election-related incidents, 13 ang suspected ERI at 196 ang non ERI.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Mula sa nabanggit na bilang, umakyat pa sa 26 ang naitalang namatay at animnapu’t anim naman ang injured.

Ang tatlong rehiyon na may iniulat na may pinakamataas na validated ERI ay ang sa Bangsamoro Autonomous Region sa 55, Region 10-14 at Region 8 -6.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa implementasyon naman ng gun ban, mayroon nang kabuuang 2, 211 ang mga naarestong indibidwal.

Nasa 1, 689 ang mga confiscated firearms, 2, 425 ang mga idineposito para sa safekeeping at 1, 785 ang isinuko.

Ang pagpapatupad ng nationwide gun ban ay nagsimula noong August 28 hanggang November 29, 2023.