Dapat maging optional na lamang para sa mga empleyadong senior citizens kung anong edad sila magreretiro sa kanilang trabaho.
Ito ang naging pahayag ni Sergio Ortiz-Luis Jr., ang president ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) nang matanong kung ano ang kanyang reaksyon sa isinusulong na alisin na ang mandatory retirement age na 65 years old sa mga empleyado.
Aniya, pabor siya sa isinusulong na pag-aalis sa mandatory age sa pagreretiro sa trabaho.
Ipinunto ni Ortiz-Luis na hindi na tama ang 65 years old na retirement age ngayon dahil maraming kumpanya na ang namomroblema sapagkat ayaw nilang basta bitawan ang kanilang mga high ranking officer na may edad na.
Binigyang diin pa nito na dapat hayaan ang mga empleyado na magtrabaho kung hanggang anong edad nila kayang magtrabaho.
#