Umapela si Migrant Workers Secretary Toots Ople sa mga overseas Filipino workers at mga nagbabalak magtrabaho abroad na maging maingat at mapanuri sa mga pipiliin nitong recruitment agencies.
Ito ay makaraang maipasara ng DMW ang ilang mga recruitment agencies na iligal na nag-ooperate.
Napag-alaman kasing nag-aalok ang mga ito ng mga pekeng trabaho sa ating mga kababayan sa Middle East.
Partikular na ipinasara ng Kagawaran ang isang ahensya sa Ermita sa Maynila.
Kinandado na umano ng DMW, katuwang ang Anti-Illegal Recruitment Branch ng POEA ang Kharem’s International dahil sa modus na ito.
Ang siste, nag-aalok daw sila ng mga trabaho sa ating mga kababayan para ipadala sa Gitnang Silangan bilang mga domestic workers, beauticians, ‘o ‘di kaya’y mga on-call cleaners sa United Arab Emirates at iba pang Middle Eastern Countries.
Nanghihingi pa raw ito ng mga placement at iba pang advance fees sa kabilang ng mga bogus na job offerings.
Aabot din sa anim na mga illegegal recruiters sa Davao City ang na-apprehend sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.
Dahil dito, tuloy ang paalala ni Ople sa ating mga kababayan na siguruhing accredited ang kanilang mga lalapitang ahensya.
#