Pagreretiro ni PRRD sa pulitika patunay na hindi ito nababahala sa ICC probe – Panelo

Patunay ang pagreretiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulitika na hindi ito nababahala sa nilulutong kaso ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Ito ang binigyan diin ni chief presidential legal counsel Sec. Salvador Panelo kasunod ang announcement ni Pangulong Duterte noong Sabado.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Ayon kay Panelo batid naman kasi ng Pangulo na walang hurisdiksiyon ang ICC para imbestigahan ang umano’y extra-judicial killings sa drug war ng Duterte administration.

Nabatid na noong Setyembre nang tanggapin ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction para maging vice-presidential candidate sa 2022 Election.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Subalit noong Sabado, sa halip na maghain ng COC ay si Sen. Christopher Bong Go ang nag-file ng kandidatura sa pagka- bise presidente.

Magugunitang sa mga nakaraang talumpati ni Pangulong Duterte, sinabi nitong tatakbo siya bilang vice-president upang magkaroon umano ng immnunity sa mga kasong kriminal na posibleng isampa sa kanya pagkatapos ng kanyang termino.