Go nagpasalamat sa natatanggap na suporta mula sa iba’t-ibang grupo kasunod ng paghahain ng COC pagka-bise presidente

Nagpasalamat si Senador Christopher Bong Go sa ipinakitang kumpiyansa at pagtitiwala ng iba’t-ibang grupo kasunod ng paghahain niya ng certificate of candidacy pagka bise presidente.

Ayon kay Go hindi niya lang ipagpapatuloy ang mga magagandang programa ng Duterte administration kundi dadagdagan pa niya ito.

“Hindi ko sasayangin ang bawat oras, minuto, o pagkakataon na ibinibigay sa akin ng taumbayan na magserbisyo sa aking kapwa. Kapalit ng inyong tiwala at suporta, ibabalik ko sa inyo ang serbisyong may malasakit, tunay at nararapat,” saad ni Go.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pinasalamatan din ni Go ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban dahil sa pagtitiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ilan naman sa mga programang gustong maipagpatuloy ni Senador Go ay ang Build Build Build Program,kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad, at ang pagsugpo sa kurapsiyon.

Samantala nais naman palawakin at palakasin ni Go ang mga programang nakalaan sa economic recovery, pagbibigay ng trabaho, at tutugon kontra gutom at kahirapan.