Hindi tuloy ang planong pagreretiro mula sa showbiz ng ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.
Kasunod nito, binura ng aktres ang kanyang anunsyo sa Instagram na siya ay magreretiro na pag-arte.
Ayon sa 2016 Cannes Film Festival best actress, na hindi pa pala tapos ang kanyang kontrata sa network na pinagtatrabahuan niya.
Pagbabahagi nito, na batay sa kanyang road manager, may dalawang taon pa bago magtapos ang kanyang kontrata.
Sa buradong post, inamin ng aktres na masakit ang desisyon na magreretiro na sa showbiz, pero kailangan umano niyang gawin, dahil ang kanyang mga anak na sina Andi at Gwen ang kanyang top priorities.
Si Jaclyn, ay isa sa mga top actress ng Philippine showbiz, na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipino na nanalo sa Cannes Best Actress trophy noong 2016.
