Bishop Alarcon hinimok ang mga pari ng Diocese of Daet na huwag na munang magpagawa ng major projects dahil sa napipintong balasahan sa mga pastoral assignment

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Bishop Rex Andrew Alarcon ang mga kaparian ng Diocese of Daet na mag “cease fire” muna sa mga major project sa parokya para sa nalalapit na balasahan ng pastoral assignments.

Inanunsiyo ito ng Obispo bago mag final blessing sa misa sa pagdiriwang ng ika- 48 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Daet at ika -38 taong anibersaryo ng pagtatalaga ng Cathedral of the Most Holy Trinity nitong Huwebes, Setyembre 1 sa harap ng mahigit kumulang 325 delegates mula sa iba’t- ibang parokya.

Ito ay dahil sigurado na umano na magkakaroon ng galawan sa pastoral assignment pero hindi na nito idenetalye pa.

Gayunman nilinaw ni Alarcon na hindi ibig sabihin na hihinto na rin ang mga pari sa kanilang mga karaniwang gawain lalo na sa parokya.

Patuloy pa rin aniya ang pastoral care sa mga tao at hindi ito dapat mahinto.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kaya lang naman aniya may ganitong direktiba ay upang mas maihanda ang pag- turn over sa sandaling maging epektibo na ang palitan ng assignment.

Mababatid na “overstaying” na ang halos lahat ng mga pari sa kanilang kasalukuyang assignment makaraang hindi magpatupad ng pagalaw kaya halos magsasampung taon na sa parokya.

Karamihan sa mga appointment na ito ay sa panahon pa ni Bishop Gilbert Garcera na itinalaga sa Lipa bilang Arsobispo noong 2017.

Mula noon ay walang galawang naganap hanggang sa magkaroon ng bagong Obispo noong March 2019 sa katauhan ni Bishop Alarcon.

Nagkaroon naman ng ilang appointment sa panahon ni Bishop Alarcon pero “temporary” lang ang karamihan sa mga ito.

Kaya may mga parokya na hanggang ngayon ay Parish Administrator o Priest In- Charge ang namamahala tulad ng St. Anthony of Padua sa Mercedes, St. Francis of Assisi sa Talisay, Paroquia de Nuestra Senora De Candelaria sa Paracale, Parish of St Roche sa Batobalani, Paracale at Parish of St. Roch sa Larap Jose Panganiban.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Parish Administrator din ang namamahala sa Parish of St. Joseph Husband of Mary sa Lag- on, Daet, Parish of Our Lady of Penafrancia, Gubat, Daet, Parish of St. Philip the Apostle sa San Felipe Basud, Parish of St Nicolas of Tolentino sa Colasi, Mercedes at Parish of St. Didachus of Alcala sa Bagong Silang, Labo.

May mga pari naman na humahawak ng dalawang parokya.

Ang Parish Priest ng Mother of Perpetual Help Parish sa Taisan, Basud ay siya ring Administrator ng Quasi Parish of San Isidro Labrador sa Manguisoc, Mercedes at ang Parish Priest ng San Roque Parish sa Tabas, Paracale ay siya ring administrator ng Quasi Parish of St Paul the Apostle sa Sabang, Vinzons.

Pinahahanda rin ng Obispo sa mga pari ang Parish Profile para alam ng darating na pari ang sitwasyon ng kaniyang dadatnang parokya.