Digital program tututukan ng DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Kagawaran ng Edukasyon na pinagtutuunan ng pansin ang Digital Rise Program na tutugunan ang malaking hamon sa kalidad ng edukasyon sa bansa Ayon sa tanggapan, kasalukuyang nakatutok ang kagawaran sa Digital Rise Program upang matugunan ang malaking hamon sa digital learning at education technology na ipinabatid ng pandemya.

Bukas umano ang kagawaran sa mas modernisado at naaangkop na mga pamamaraan ng edukasyon tulad ng pag gamit ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng Information and Communications Technology Service (ICTS).

Sinabi rin ni ICTS Director Abram Abanil, ang Digital Rise Program ay mayroong tatlong major components at ito ay ang digital literacy, kung saan ang K to 12 curriculum ay makabago kabilang ang productivity tools gaya ng Word Processing, Spreadsheets, at PowerPoint presentation para sa Grade 4 hanggang Grade 6.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon naman sa kalihim ng kagawaran na si Leonor Briones, ang mga mag-aaral ng Grade 7 ay mayroong basic programming skills subject habang ang Grade 8 hanggang 10 ay mayroon namang konseptong Multimedia kung saan ang subject ay nakatuon sa video editing at graphic na design.

Nakaatang naman sa Senior High School students ang vocational skills gaya ng Computer Servicing, Technical Drafting at Broadband Installation. Layunin umano ng kagawaran na mabigyan ang mga guro ng kagamitan tulad ng Smart TV, at Lapel speakers, angkop na mga software at naaayon na mga pagsasanay o training ukol sa mga digital na programang ito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Layunin ng ICT Assisted Learning ng programa ang mabigyan ng access ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng DepEd Learning Management System (DLMS) at Synchronous Blended Learning.

Nakipag-ugayan din umano ang kagawaran sa Microsoft at Google upang patuloy na makapagbigay ng serbisyong naaangkop sa programa.

Ang DepEd Commons, Learning Resources Portal, at DepEd Learning Management System o DLMs ay ilan lamang sa mga plataporma kung saan maaaring ma access ng mga mag-aaral at mga guro ang mga nilalaman ng programa tulad ng self-learning modules, DepEd TV, at DepEd Radio episodes.