COVID 19 vaccination sa pediatric group sa region 12, 11% pa lang

KORONADAL CITY- MABABA pa rin ang accomplishment ng Department of Health o DOH Region 12 sa COVID 19 vaccination sa pediatric population.

Inihayag ni regional immunization program coordinator Dr. Edvir Jane Montañer na 82,583 pa lang ng mga batang may edad 5 hanggang 11 years old ang fully vaccinated laban sa COVID 19.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ito ay 10.94% pa lamang ng target na 754,224.

Dahil dito, kailangan umanong triplehin pa ng DOH ang kampanya at pagsusulong ng COVID 19 vaccination sa mga bata upang maproteksyunan ang mga ito malalang sintomas ng naturang virus.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa mga batang may edad 12 hanggang 17 years old naman, nasa 62.12% na ang accomplishment ng region 12 kung saan 375,240 na ng target na 604,086 ang fully vaccinated.