LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng Department if Education (DEPED) Bicol ang maayos at matiwasay na pag ganap ng eleksyon nitong Mayo 9, 2022 sa Rehiyong Bicol.
Ayon kay DepEd Regional Director Gilbert Sadsad, nais niyang ipaabot ang kaniyang taos-pusong pagpapasalamat at pagsaludo sa lahat ng mga guro, mga non-teaching personnel at mga opisyal ng mga paaralan na buong katapatan na nag handog ng kanilang serbisyo para sa lokal at nasyonal na halalan ngayong taon.
Nakita niya umano ang kanilang hindi matatawaran na sakripisyo, pag-alay ng oras, dedikasyon at buwis-buhay na serbisyo upang maging maayos, tapat at matiwasay ang halalan 2022 sa Rehiyon.
Aniya, hindi nagpatinag ang mga kawani ng kagawaran, ang mga guro at iba pang kawani ng mga paaralan maharap man sila sa sitwasyon na sila ay masigawan at mapagbuntungan ng inis ng ibang mga botante, bagkus ay mas lalo nilang ipinakita ang kanilang pagiging propesyonal at pagiging tapat sa kanilang mga obligasyon at nawa’y sila ay panggayahan ng iba dahil sa kanilang kabutihang asal ma lubos niyang ikinakahanga.
Ang matagumpay na pag ganap ng halalan 2022 sa rehiyon ay pinangunahan ng ETF o Election Task Force. Ang pagbuo ng Task Force na ito ay alinsunod sa DepEd Memorandum 010, s. 2022. Nakapaloob dito ang pag establisa ng DepEd Election Task Force and Its Operation and Monitoring Center sa Central, Regional at Schools/City Division Offices sa lokal at nasyonal na halalan noong Mayo 09, 2022.
Ito ay pinamunuan ni RD Gilbert Sadsad bilang Chairperson, ARD Ronelo Firmo bilang Vice-Chairperson, at iba pang mga myembro mula sa kagawaran.