Pagpupulong ng IMT tinutukan ng Gobernador ng Camarines Norte lalo na sa nakaambang na panganib na idudulot ng Delta Variant

CAMARINES NORTE- Pinangunahan muli ni Gobernador Edgardo A. Tallado kahapon ng umaga ang regular operations period briefing  ng IMT na ginaganap tuwing Lunes at Biyernes.

Magugunitang dahil sa nakaambang panganib ng Delta Variant, tatlong Lunes nang magkakasunod na mismong si Gob. Tallado ang nag-preside ng IMT OPS Briefing upang matiyak na ang mga agarang aksyon ay naipatutupad.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Mahigpit niyang tagubilin na lahat ng papasok sa Camarines Norte ay dapat sumailalim sa rapid antigen test.

Walang sisinuhin sa border maging mga authorized person outside of residence (APOR).

Sa katunayan, noong nakalipas na linggo, maging ang ilang Regional Directors na pumasok ay dumaan sa nasabing proseso, ayon pa kay Gob. Tallado.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ipinabatid din niya na may itatalagang mga regular na  empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan na makakatulong ng mga Division Commanders sa dalawang boundary upang mas lumakas pa ang puwersa.