Camarines Norte 1st District Representative Josie baning tallado kinilala ng TESDA Region V bilang provincial winner ng Kabalikat Awards

CAMARINES NORTE- Binigyang pagkilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region V bilang Provincial Winner ng 2022 Kabalikat Awards si 1st district Representative Josie Baning Tallado

Ito ay bilang  rekognisyon sa pagiging katuwang ng TESDA para makakalap ng pondo sa mga taga Camarines Norte  na naghahangad na makatapos ng kursong bokasyonal at makapaghanap na kaagad ng trabaho batay sa kanilang mga natapos na mga kurso.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa kasalukuyan ang tanggapan ng Kongresista ay mayroon ng nakalap na Php20.7Million TESDA Educational Assistance kung saan 1,454 scholars na ang nakinabang.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Batay din sa datos ng TESDA Provincial Office, ito ang pinakamalaking pondong nakalap ng isang mambabatas sa kasaysayan ng Unang Distrito ng Camarines Norte