Pagpataw ng parusa sa mga iresponsableng animal owner sa Olongapo, pinahihigpitan

Naniniwala ang principal author ng inamiyendahang Animal Code ng Olongapo na mawawalan ng saysay ang bagong ordinansa kapag hindi pinatawan ng parusa ang mga iresponsableng pet owner sa lungsod.

Ito ay kahit pa parehong tinaasan ang halaga ng impounding fee ng mga pagala-galang hayop at surrendering fee para sa mga hindi na kaya o ayaw nang alagaan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Konsehal Tata Paulino, author ng bagong animal code sa Olongapo, hindi lang ang mga pet owner na hinahayaang magpalat-kalat sa kalsada ang dapat tutukan kundi ang mga ipinapasa sa city government ang obligasyong alagaan ang aso at pusa.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon, mayroong ordinansa sa lungsod na ang parusa sa mga irresponsible pet owner ay warning, 2,500 pesos at pagkakulong sa ikatlong paglabag pero aminado si Paulino na hindi naipatutupad ng maayos.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO