Mga multicab driver na mayroong alitan, nag- krus ang landas

Umaani ngayon ng reaksyon sa mga netizen ang viral video kung saan makikita ang paghaharap ng mga multicab driver habang nasa gilid ng National highway ng Barangay Sicsican sa Puerto Princesa.

Ang video ay kuha nitong Lunes o kahapon sa pagitan ng dalawang gasolinahan.

Ayon kay Jack Resuma na presidente ng Multicab Association sa Barangay Irawan, bago raw ang paghaharap ng mga drayber ay nagkaroon muna ng diskusyon sa pilahan ng multicab sa harap ng mall (Unitop) sa Malvar St.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kinuwestyon kasi umano ng isang multicab driver sa sicsican ang pagpila ng isang multicab driver na mula sa barangay irawan.

Ito umano ang pinagmulan ng gulo na nangyari kahapon sa barangay sicsican kung saan nagkaharap-harap ang mga sangkot na sina “Mac-Mac” at dalawang magkapatid na Abis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa video, makikitang may dala-dalang tubo sina Robinson at Michael Abis habang ang bitbit ni Macmac ay armado ng screw driver.

Gayunman, napigilan ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig sa tulong ng iba pang drayber na nakasaksi.