Ipinag-utos ni Commission on Higher Education (CHED) chairman J. Prospero de Vera III sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) na huwag nang mag-offer ng senior high school program simula sa susunod na school year dahil wala na itong legal basis para pondohan ang naturang programa.
Sa isang memorandum, sinabi ni De Vega na nag-lapse na ang authority ng SUCs at ng local universities and colleges (LUCs) na mag-engage sa basic education sa pamamagitan ng SHS program matapos ang SY. 2016-2017 hanggang 2020-2021 – ang supposed transition period para sa Kindergarten to Grade 12 (K-12) system.
Binigyang-diin din nito na ang engagement ng SUCs at LUCs sa basic education sa pamamagitan ng senior high school ay hanggang K-12 transition period lamang.
Iginiit din ng opisyal na nag-isyu na ang Department of Education (DepEd) ng isang notice na wala nang government assistance na ipagkakaloob sa mga private school students at teachers na lumipat sa SUCs at LUCs para sa SHS program, maliban na lamang sa mga pumasok ng Grade 12 sa SY 2023-2024 para tapusin ang basic education.
Sa huli, ipinag-utos na CHED chief sa mga regional directors ng ahensya na i-monitor ang compliance ng SUC at LUCs sa memorandum.