Hindi maintindihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung bakit mayroon pa ring mga pasaway na motorista na pilit na dumadaan sa EDSA Bus Lane kahit maluwag naman ang daan ngayong araw.
Ito ay matapos ang naging holiday season.
Kaugnay nito, sinamplelan ng awtoridad ang mahigit 50 motorista nitong nahuli na dumaan sa EDSA Bus Lane at pinagbayad ng P5,000.
Nahuli ang ilan sa mga ito sa may parte ng Pioneer, Megamall, Ortigas Flyover at Corinthians.
Maalala, sa ilalim ng inilabas na mas pinabigat na parusa at multa ng MMDA, pumapalo mula P5,000 hanggang P30,000 ang maaring bayaran ng mga mahuhuling lalabag sa pagdaan sa bus carrousel lane.
Maliban pa roon, maari ring mapawalang bisa ang lisensya ng mga ito.