Pagpapalista sa mga nais maging miyembro ng cofradia de san jose, nagsimula na; mga magiging miyembro inaasahang hindi magpapasaway tulad ng ibang mga voyador sa Peñafrancia Fiesta

NAGA CITY- Nagsimula na ang pagpapalista ng mga nais maging miyembro ng Cofradia de San Jose, o ang mga voyador na dumaraan sa formation at seminar sa maayos na paghahatid ng Imahe ni Inang Peñafrancia at estandarte ng El Divino Rostro.

Ayon sa Presidente ng grupo na si William Menes, dalawang parokya na ang napuntahan nila; Parish of St. Anthony de Padua sa Camaligan at parokya ng San Rafael sa Buhi, nasa 50 ang average. Pitong parokya pa ang nakaschedule ngayong buwan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Dagdag pa ni Menes, unang ipinagbabawal ang pag-inum ng alak sa oras ng Traslacion at Fluvial Procession. Sila ang magiging halimbawa sa mga hindi dumaan sa formation. Aniya sadyang malakas ang puwersa ng mga voyador na ito, kahit na katuwang na nila ang Philippine National Police at Philippine Army mabilis na mapatid ang mga kadenang kamay at nakakapasok kaagad patungo sa andas.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mas maayos at mas mabilis na paghatid kay Ina at kay Divino Rostro ang ninanais ng grupo.

Noong 2022, 2,000 ang kanilang miyembro ay ngayon unaasahang maaragdagan pa ito.