Pagpapalakas sa procurement system, muling binigyang-diin ng DBM

Naninindigan si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman sa hangarin ng gobyerno na palakasin ang kasalukuyang procurement system dahil sa mahalagang tulong nito sa kabuuang pamamahala ng bansa.

Sa ginanap na Public Financial Management Competency Program (PFMCP) para sa Local Government Units (LGUs) sa Iloilo City, ibinahagi ni Secretary Pangandaman ang mga panukalang pagbabago sa Government Procurement Reform Act (GPRA) na naisumite na kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Muli ring binigyang-diin ni Pangandaman ang pagpapalakas ng digitalization at innovation upang mas maging epektibo at madaling maunawaan ang public procurement sa pamamagitan ng modernized Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

Ayon pa sa opisyal, kailangan nang yakapin ng pamahalaan ang Green Public Procurement Strategy na makatutulong sa environmental impact at integration ng green practices pagdating sa procurement ng mga produkto, proyektong pang-imprastraktura, at consulting services.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Kasabay nito, hinikayat ng kalihim ang mga dumalo sa pagtitipon na hindi lamang pagbutihin ang pagtupad sa kanilang mga tungkulin kundi tumulong din sa implementasyon ng mga reporma.