QC LGU, inatasan ang pulisya na hanapin ang iba pang sangkot sa pagkamatay ng isang estudyante

Inatasan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang Quezon City Police District na hanapin at panagutin ang iba pang sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na Ahldryn Bravante

Sa pahayag na inilabas ng LGU, handa silang makipagtulungan sa mga awtoridad para managot ang mga may sala sa insidente

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Mariin din daw nilang kinondena ang hazing incident matapos mangyari ang initiation rites sa isang abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Ilang suspects na ang nasa kostodiya ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit at nasampahan ng kaso

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Iginiit ng LGU na hindi dapat maging batayan ng katapatan at kapatiran ang pananakit sa kapwa na maaaring magdulot ng permanenteng pinsala o humantong sa kamatayan.

Nagpaabot din ang lokal na pamahlaan ng pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng estudyante.