Cyberattacks sa 3 government institutions kabilang ang Kamara, pinaiimbestigahan ni Rep. Abalos

Isinusulong nina House Minority Leader Marcelino Libanan at 4Ps Party-list Representative JC Abalos ang isang resolusyon upang paimbestigahan ang mga banta sa government institutions at data privacy ng mga Pilipino.

Kasunod ito ng cyberattacks sa Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Statistics Authority at House of Representatives.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Binanggit sa House Resolution 1392 ang Republic Act 10175 at Republic Act 10844 bilang suporta sa panawagan na siyasatin ang mga nangyaring security breach at upang tulungan ang lehislatura na tukuyin kung paano ito ginawa at ano ang mga hakbang na dapat ipatupad upang maiwasan na ang pag-atake.

Ipinaliwanag ni Abalos na malinaw na may banta sa seguridad at integridad sa digital platforms ng mga ahensya ng gobyerno kaya kakailanganin na ng dagdag na proteksyon.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Binigyang-diin din sa resolusyon ang Constitutional right ng taumbayan sa kanilang privacy alinsunod sa Republic Act 10173.

Posible kasi anilang naipakalat na ng cyberattacks ang sensitibo at personal na impormasyon ng mga indibidwal at kanilang pamilya partikular ang marginalized sector.