Pagpapa-consolidate ng jeep para sa ibang driver “no choice”; Unconsolidated maituturing nang kolurom simula Mayo 1

NAGA CITY – “Hanggang ngayon ay no choice pa rin”, para sa ibang jeepney driver sa Camarines Sur ang pagpapa-consolidate para sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Isa na si Allan Offemaria, isa sa opisyal ng Libmanan Transport Service Cooperative. Aniya kung hindi lamang para sa kanyang mga anak hindi siya papayag para sa naturang programa lalo na’t ang jeep o prangkisa mismo na pag-aari ng operator o driver ay mapupunta na sa kooperatiba, pangalawa swelduhan na lamang sila na hindi kaya ang P380.00 lalo na’t ang iba nagboboundary lamang, pangatlo ini-aalis sa listahan kapag hindi nagpa-consolodate, kaysa sa naman aniya mawalan ng hanap-buhay.

Consolidated na ang naturang transport service habang ang iba ay tuloy na tumututol sa consolidation.

Samanatala, simula Mayo 1, maituturing nang kolurom ang mga unconsolidated jeepney at magsisimula nang manghuli ang Land transportation Franchising and Regulatory Board nang walang consolidation paper ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III. Ang Land Transportation Office Naga naman ay wala pang kompirmasyon kung manghuhuli na sa naturang araw sa lungsod ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *