Babae, naaagnas na nang matagpuan sa isang inn sa Lucban, Quezon

Naaagnas na nang matagpuan ang katawan ng isang babae sa loob ng isang inn sa Lucban, Quezon nitong Linggo, Abril 28.

Ayon sa report, personal na nagtungo sa kapulisan ang caretaker ng inn matapos na mapansin na tatlong araw nang hindi lumalabas ang biktima sa nirentahang nitong kwarto.

Naka-double lock umano ang naturang kwarto nang rumesponde ang awtoridad at nang mabuksan ito ay doon na natagpuan ang naaagnas na katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nirentahan ng biktima ang kwarto noong Abril 14 ng kasalukuyang taon.

Sinabi naman ng mga kaanak na ang biktima ay mayroong epilepsy.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *