Pagnanakaw ng gasolina sa mga nakaparadang tricycle ‘modus’ ngayon ng mga kabataan sa bayan ng Bulan

Agad na inaksyunan ng pamunuan ng Barangay Zone 2 sa bayan ng Bulan, Sorsogon ang nangyayaring pagnanakaw ng gasolina sa mga nakapadarang tricyle sa kanilang lugar kung saan ang mga itinurong suspek ay mga kabataan na mula sa ibat-ibang barangay.

Sa panayam ng Brigada News kay Punong Barangay Jojo Geraldino, sinabi niton na mayroon na silang nadakip at ipinatawag na mga kabataan na halos mga menor de edad.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Base sa kanilang imbestigasyon, dis- oras na ng gabi umano ginagawa ang naturang krimen kapag nakapadara na ang mga tricycle at ang nanakaw na gasolina ay ibinibenta o kaya naman ay ginagamit rin sa kanilang mga motorsiklo.

Galit naman ang naging reaksyon ng mga nabiktimang tricycle drivers dahil paggising nila kinabukasan ay wala nang laman ang tangke ng kanilang motorsiklo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ipinatawag na rin ng barangay ang mga magulang ng mga kabataan at nakiusap ito na bantayan ng mabuti ang kanilang mga anak at huwag nang payagang lumabas kapag dis-oras na ng gabi dahil dito nakagagawa ang mga ito ng ibat ibang uri ng mga kalokohan at krimen kasama ang mga barkada.