Mambabatas, sinuportahan ang pagkakaroon ng nuclear energy sa Pilipinas

Tiniyak ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang suporta sa pagsusulong sa Kamara ng pagkakaroon ng nuclear energy sa Pilipinas.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Salceda na magiging malaki ang tulong ng nuclear power sa food security at housing needs ng publiko.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Paliwanag pa niya, bagamat maganda ang wind at solar power, malaking espasyo ang kakailanganin sa mga ito.

Aniya, ang nuclear energy ay angkop sa Pilipinas—isang bansa na may limitadong lupain para sa espasyo.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Higit na mas mura rin umano ng 28% ang pagtatayo ng nuclear plant, kaysa sa coal plant.

Kasalukuyang nakabinbin pa rin sa House of Representative ang bill na siyang magtatatag Philippine Atomic Energy Regulatory Authority.