Nais isulong ng mga ilang senador ang paglutas ng matagal ng problema ng bansa sa pagbaha na patuloy na nakaa-apekto sa mga Pilipino.
Kasunod ito ng panawagan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa patuloy na pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at mga karatig lugar.
Ayon naman kay Senadora Loren Legarda na isang environmentalist, kailangan itong aksyunan lalo na’t ang sanhi ng pagbaha ay dahil sa high tide, soil subsidence, at ang walang tigil na ulan kaya’t nagpapalabas pa rin ng tubig ang tatlong dam sa probinsya.
Sinuportahan naman ni Sen. Bong Revilla ang pagkwestyon sa DPWH at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil patuloy itong nadidismaya, lalo na’t maraming proyekto ang ginastos para maiwasan ang pagbaha.
Samantala, sinabi naman ni Revilla na sisimulan na ng kanyang komite ang pagdinig sa susunod na linggo.