Gobernador ng Sorsogon, nakipagpulong sa DOTr

Nakipagpulong si Governor Edwin ‘Boboy’ Hamor kay Department of Transportation (DOTR)  Secretary Jaime Bautista.

Tinalakay sa nasabing meeting ang mahigpit na pangangailangan para sa pagpapalawak ng daungan upang matugunan ang matagal ng isyu ng congestion sa Matnog Port.

Malinaw na ipinaliwanag ng Gobernador ang kahalagahan ng agarang pagpapalawak ng imprastraktura ng daungan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Binigyang-diin nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng  nasabing pantalan bilang gateway para sa komersyo at kalakalan papunta at mula sa Visayas.

Nagpahayag naman ng suporta ang kalihim sa nasabing problema kasabay ng pagtitiyak na tapat ang ahensya sa pangako nito na tutugunan ang isyu ng congestion sa Matnog at kinikilala ang paglalaan ng pondo na na ibibigay ng Philippine Ports Authority para sa expansion ng nasabing pantalan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Pinasalamatan din ni Bautista ang Gobernador para sa proactive approach nito sa pagharap sa problema sa pamamagitan ng pagpapatupad ng blue lane program.