Paglipat ng partido para maging substitute candidate, bawal na – COMELEC

Hindi na papayagan ng Commission on Elections ang mga kandidato na lumipat sa ibang political party na kanilang kaalyado para maging substitute candidate ngayong lipas na ang October 8 deadline para sa filing ng COC.

Ipinaliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kailangan pa kasi ng kandidato na i-withdraw ang certificate of nomination and acceptance (CONA) na inisyal nitong inihain sa ilalim ng iiwanan nitong partido para makalipat.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dagdag niya, hindi na ito pwede ngayon dahil tapos na ang filing ng certificate of candidacy.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Inihayag ito ng Comelec sa gitna ng mga spekulasyon na papalitan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Dela Rosa bilang presidential candidate ng Cusi wing faction ng PDP-Laban.