Iba’t- ibang serbisyo at programa ng DTI para makatulong sa mga maliliit na negosyante inilatag sa Barangyanihan Caravan

CAMARINES NORTE- Inilatag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang serbisyo at programa para makatulong sa mga maliliit na negosyante sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa isinagawang Barangayanihan Caravan sa bayan ng Basud kahapon, inihayag ng ahensiya na mayroon silang iba’t- ibang programa na maaaring pakinabangan lalo na ng mga maliliit na negosyante para mapalago ang kanilang negosyo.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Maaari umanong makipag ugnayan sa Negosyo Center upang maka- avail ng loan para maging kapital sa negosyo.

Mayroon umanong programa ang ahensiya na P3 o Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso.

Sa ilalim nito ay maaari umanong makapag avail ng loan na mula P10, 000 hanggang P2 milyon na walang interest at ang kagandahan pa ay mayroong grace period sa pagbabayad.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Pantapat  ito ng gobyerno sa sistema ng pagpapautang na 5-6 na nagpapahirap  sa mga maliliit na negosyante dahil sa malaking interes.

Kabilang din umano sa mga programa ng ahensiya ay ang Diskwento Caravan, price monitoring sa ilang mga produkto, consumer education, sales promotion at iba pa.