Paglipat ng Nasugbu MPS Chief, walang kinalaman sa Batangas drug haul – PRO-4A

Wala umanong kaugnayan ang paglipat sa pwesto ni Lt. Col. Reynaldo Domelod, dating hepe ng Nasugbu police sa Batangas sa bigong operasyon sa bahay ng isang Canadian national na iniuugnay sa nasabat na P9.6B na halaga ng iligal na droga kamakailan.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Manila ni Police Regional Office 4A, Spokesperson, Police Lt Col. Chit Gaoiran.

Ayon kay Gaoiran, dahil umabot na ng isang taon ang paglilingkod ni Domelod sa Nasugbu, kailangang ilipat na siya sa ibang unit ng pulisya, kaya’t pinalitan siya ni Police Maj. Nemecio Calipjo Jr. bilang officer-in-charge ng Nasugbu police.

Maaalalang , noong nakaraang linggo ay bigo ang Nasugbu Police na matagpuan sa ni-raid na bahay sang Canadian national na kinokonekta sa 1.4 tons na shabu na nakumpiska sa Alitagtag, Batangas.

Samantala, patuloy naman ang follow operations ng mga pulis laban sa Canadian national.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *