Lalaki, nalunod-patay sa Infanta, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong malunod sa Agos River sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon nitong Linggo, Abril 21.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, kasama noon ng biktima ang kanyang mga pinsan nang magtungo sa nasabing ilog para maglangoy.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Nasa mababaw na bahagi ng ilog umano ang biktima habang naghahanda ng pagkain ang kanyang mga kaibigan subalit makalipas lang ang ilang sandali ay nakita na lamang itong palutang-lutang kung kaya agad itong ni-rescue at isinugod sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng pamilya ang mga labi ng nasabing biktima.