Mas mahigpit na accreditation process ng COMELEC sa mga party-list – asahan na raw

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na wala namang problema sa halos 200 kasalukuyang party list na mayroon sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM kay COMELEC chairperson George Garcia, sinabi nitong wala naman ding sinasabi sa batas kung gaano kadami ang dapat maging party list.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Pero sa kabila aniya nito, iginiit ni Garcia na ang sobrang daming party list ay tila hindi na katanggap-tanggap.

Dahil dito, asahan na raw ang mas mahigpit na accreditation process sa mga grupo.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa kasalukuyan, 140 mula sa 200 na mga petisyon na ang nadi-dismiss ng ahensya.

Sa huli, nilinaw din ng opisyal na hindi naman sila magtatakda ng bilang kung hanggang ilan lamang ang pwedeng maging party list sa gobyerno.