Paglalagay ng price tag ng mga tindahan, mahigpit na babantayan ng DTI- Isabela 

Hihigpitan pa umano ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry Isabela sa pagsunod ng mga Business Establishment sa tamang paglalagay ng Price Tag sa kanilang mga ibinebentang produkto alinsunod sa Suggested Retail Price nito.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI-Isabela Consumer Protection Division Chief Elmer Agorto, sakaling hindi na umano mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na sakop ng DTI dahil sa walang patid na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay kailangan nang sundin ang paglagay ng price tag.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ito aniya ay upang maiwasan ang overpricing sa mga produkto at paglalagay ng price bulletin upang upang ma-stabilize ang presyo ng mga bilihin.

Dagdag pa nito CPD Chief Elmer Agorto, alinsunod rin umano ito sa inilabas na Executive Order ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela noong nakaraang taon kung saan inatasan ang mga LGU na suriin ang paglalagay ng price tag ng mga business establishment upang matiyak na walang paglabag sa presyo at may transparency.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinaalalahanan naman nito ang mga negosyante na maging reasonable sa paglagay ng mga presyo at sumunod lamang sa itinalagang SRP.

Ilan umano sa nakita ng ahensya na dahilan ng mga retailers sa pagtaas ng presyo ay ang pagtaas ng transportation cost at pagbili ng suplay sa kapwa retailer kaya’t sinusuri rin umano ng ahensya ang kanilang mga inventory level.