Ginang, patay dahil sa Covid-19

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon na isang ginang mula sa bayan ng Sta Magdalena ang pinakahuling nasawi dahil sa corona virus disease o Covid-19.

Ang 57-anyos na ginang ay nairehistro bilang ika- 473 fatality ng probinsya at siyang pinakaunang nasawi sa buwan ng Marso.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Gayunpaman, patuloy naman ang pagbaba ng aktibong kaso ng nasabing sakit na nasa lima na lamang matapos makapagtala ng karagdagang mga recoveries.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Covid-19 free naman ang 12 bayan habang ang lungsod ng Sorsogon ay mayroon lamang tatlong aktibong kaso habang tig- isang kaso naman sa bayan ng Casiguran at Magallanes.