LEGAZPI CITY – Plano ng City Veterinary Office ( CITY VET) ang paglalagay ng Dog tag sa mga alagang aso sa bawat barangay sa lungsod ng legazpi. Ayon kay Dr Emmanuel Estipona, ang head ng nasabing opisina, pinagpaplanuhan na ang paglalagay ng dog tag sa mga aso upang malaman kung sinu ang may pag aari ng mga nasabing hayop.
Aniya, ito na rin ang magiging solusyon sa problema ng ahensya sa mga stray dogs. Maliban pa rito, nahihirapan ang mga ito na mag-identipika na mga nag -aalagang hayop dahil sa itinatanggi ng mga ito na sila ang may ari kung kayat walang nabibigyan ng penalidad , kung sakali mang ito ay makakagat.
Sinabi ng opisyal, target na maisagawa ang paglalagay ng Dog tag sa mga barangay ay sa susunod na taon (2022) dahil sa kailangan pa nito ng pondo at magkaroon muna ng ordinansa sa lungsod. Para maisatupad ang nasabing proyekto.