Paglagay ng solar energy sa CASURECO IV, sinisimulan na

CAMARINES SUR- Sinisimulan na ang paglalagay ng solar energy sa Camarines Sur IV Electric Cooperative (CASURECO IV) bilang paunti-unting pagtugon sa posibleng pagbaba sa supply ng kuryente sa gitna ng mainit na panahon.

Kinumpirma ito sa Brigada News FM Naga ni Rodel Sical, ang CASURECO IV Spokesperson kung saan sinabi pa nito na noong nakaraang buwan pa sila nagsimulang tumanggap ng mga investors para sa solar energy na nasa likod lamang ng kanilang opisina. Aniya, hindi lamang ito preparasyon sa posibleng pagkulang sa supply ng kuryente ngayon, kun’di paghahanda sa pangmatagalang gamit nito sa mga susunod na taon.

Matatandaan na isa sa mga maiinit na usapin ngayon ang pagsulong sa renewable energy sa bansa kaugnay ng yellow at red alert status na ipinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines kung saan nakikita ang pagbaba sa supply ng kuryente ng mga pangunahing power supplier.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *