NAGA CITY- Tag-ulan ang paboritong panahon ng mga lamok na dengue virus carrier kaya bukod sa paglaban sa COVID-19 isa rin ito sa tinututukan ng Lokal na Pamahalaan ng Lupi, Camarines Sur.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Lupi Municipal Mayor Gagay Matamorosa, sinabi nitong kapag malakas ang pag-ulan at tumataas ang lebel ng tubig sa mga kalapit bayan nila sa unang distrito ng Camarines Sur inaasahan na nila ang pagbaha rin sa ilang bahagi ng naturang bayan.
Bukod sa pagbabakuna laban sa COVID-19 na nasa 23% na ng target population ang nabakunahan at dinadala pa sa barangay ay naroroon din ang hakbang ng Municipal Health Office laban sa dengue, binigyan diin ni Matamorosa na sa ngayon wala silang kaso dahil sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran mayroon ding gamot na nakalaan.