Mga tricycle drayber na hindi bakunado sa Pasacao, Camarines Sur, pagbabawalan nang mamasada; Barangay Vaccination sa bayan, sinisimulan na

NAGA CITY – Pagbabawalan na ang mga tricycle drayber na mamasada kung hindi sila bakunado sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Mayor Niño Tayco ng Pasacao, sinabi nitong bilang parte ng Vaccination Campaign, hinihikayat na magpabakuna na ang mga tsuper na hindi pa bakunado dahil kung hindi ayon sa Alkalde ay pagbabawalan na ang mga itong mamasada ngayong darating na Enero 2022.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ito kasi ang nakikitang paraan ng Alkade upang mahikayat ang mga tao na magpabakuna. Pero paglilinaw si Tayco, nauunawaan at hindi niya pwedeng pilitin ang mga residenteng ayaw magpabakuna lalo na sa mga transport sector.

Kailangan daw kasi na lahat ay bakunado na lalo na’t hinihikayat rin ng Department of Health o DOH Bicol ang mga LGU’s na bakunahan na ang lahat kontra COVID 19, kaya ngayong darating na na taon titingnan ng Alkade ang magiging resulta ng kaniyang imposisyon na tanging bakunado lamang ang makakapamasada.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala upang mapa-igting pa ang vaccination roll-out sa bayan, sinimulan na rin ang Barangay Vaccination kung saan malaking bagay ito upang marami pa ang mabakunahan at malaking tulong din sa mga gustong magpabakuna ngunit walang sapat na pamasahe o panahon para pumunta sa mga vaccination sites.