Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto sa 2 Road projects sa Maddel, Quirino upang masuportahan ang agriculture industry at turismo rito.
Ayon sa DPWH Region 2, ang naturang mga proyekto ay kinabibilangan ng Divisoria Sur – San Salvador – Dungo Road sa Maddela at Aglipay.
Ito ay upang mapabilis ang paghahatid ng mg agricultural crops sa mga farm-based food processing facilities na gumagawa ng banana chips, feeds, muscovado sugar at sugarcane juice.
Inihayag ni Regional Director Loreta Malaluan na ang 1.2-kilometer access road ay bahagi ng multi-year project na pinondohan sa ilalim ng DPWH – Department of Trade and Industry (DTI) Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade (ROLL IT) Convergence Program.
Kasalukuyan din ginagawa ng DPWH Quirino District Engineering Office ang 6-km road na papunta sa Governor’s Rapid sa Maddela.
Sa ngayon ay nasa 68.82 na porsyento na ang nakukumpleto sa naturang pagsasaayos ng mga daan.