Magsisilbing inspirasyon sa lahat ng tauhan ng Armed Forces of the Philippines ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang trabaho sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa.
Binanggit ito ng Pangulo sa mismong araw ng SONA.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mapapataas ng kanilang morale ang pagkilalang ito ng Pangulo.
Kasunod nito, tiniyak ni Padilla na hindi magpapatinag ang AFP sa kanilang misyon at patuloy na poprotektahan ang teritoryo ng bansa.
Nabatid na maliban sa AFP, pinasalamatan din ng Pangulo ang Philippine Coast Guard at mga mangingisda dahil sa ginagawa nilang pagmamatyag sa West Philippine Sea.