Pagkawala ng text scams, posibleng may kaugnayan sa utos ni PBBM na i-ban ang mga POGO – Senador

Naniniwala si Sen. Grace Poe na dahil sa pag-ban ng POGO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. unti-unting nawala ang nagpapadala ng text scams.

Ayon sa Senadora, kapansin-pansin na kahit bago pa ianunsyo ni Pangulong Marcos ang tungkol sa POGO ban ay nanahimik na ang mga nagpapadala ng text scams mula nang sunud-sunod ang na-raid at pagpapasara sa mga ito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Mas tumibay ang paniniwala ni Poe na may kinalaman talaga ang mga nag-o-operate ng POGO sa bansa dahil sa kabila ng pagsasabatas ng SIM Registration Act ay patuloy pa rin ang paglaganap ng text scams hanggang sa matunton ang mga ilegal na POGO.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aniya, ang pahayag ni PBBM na ipinagbabawal na sa bansa ang lahat ng mga legal at illegal POGOs ay nagkaroon ng malaking epekto pagdating sa pagkabawas ng mga natatanggap na text scams.