Pagkasira ng mga corals sa West Philippine Sea, maaring magdulot ng mas malaking tsunami ayon sa isang senador

Binigyang-diin ni Senador Francis Tolentino na maaring magbunsod ng mas malaking tsunami ang pagkasira ng mga coral reefs sa West Philippine Sea kung sakali mang magkaroon ng lindol.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Philippine Coast Guard na tama ang inilabas na report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) tungkol sa matinding pinsalang kinahaharap ng marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoal.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Tolentino, base sa ilang siyentipikong pag-aaral, isa ang coral sa nagpapahina sa water current at nakakabawas sa lakas ng tsunami.

Ito naman ay sinuportahan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, ngunit binigyang-linaw niyang kinakailangan ng mas malaking coral reefs tulad ng mayroon sa Great Barrier sa Australia upang mapigil ang pagkakaroon ng malaking tsunami.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Kaugnay nito, patuloy nang inaalam sa Senado ang maaring gawin upang maisalba ang ilang nasirang corals dala na ng coral harvesting at reklamasyon ng China.